Zamboanga City (February 18, 2022) – Matagumpay ang operasyon na ikinasa ng Zamboanga City Police Station 7 at City Investigation and Detection Management Unit (CIDMU) dahil sa natanggap nilang impormasyon mula sa isang confidential informant ukol sa isang sasakyan na may mga karga umano’y mga smuggled na sigarilyo, na dadaan sa Barangay San Roque, Zamboanga City noong Pebrero 18, 2022.
Habang nagsasagawa ng checkpoint ang ating kapulisan sa nasabing lugar, positibong namataan ang isang Suzuki van na kulay gray na may plakang JCU-1743.
Agad na bumaba ang driver ng nasabing sasakyan at tumakas. Natuklasan ng ating kapulisan na ang nilalaman ng van ay mga assorted smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng Php1,687,000 ayon sa Bureau of Customs.
Patuloy naman ang ating kapulisan sa imbestigasyon para sa pagkakakilanlan ng tumakas na suspek at upang matukoy ang nasa likod ng nasabing ilegal na gawain.
####
Panulat ni patrolman John Ronald Tumonong