Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa mga tauhan ng Josefina Municipal Police Station sa Barangay Bogo Calabat, Josefina Zamboanga del Sur nito lamang ika-04 ng Disyembre 2024.

Kinilala ni Police Major Juvic D Aballe, Acting Chief of Police ng Josefina MPS, ang sumuko na si alyas “Che-Che”, 44 anyos, babae at residente ng Purok 2 Barangay Bogo Calabat, Josefina, Zamboanga del Sur.
Ang sumuko ay dating miyembro ng Hingpit Nga Organisadong Masa at supporter ng distritio komite ng “Junick” ng WMRPC at nagbalik-loob sa pamahalaan sa pagnanais na mamuhay ng maayos at tahimik kasama ang kanyang pamilya.
Agad naman itong nakatangap ng isang sakong bigas mula sa pulisya.
Sa ilalim ng programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na naglalayong sugpuin ang insurhensiya, ang Pambansang Pulisya ay patuloy na hinihikayat ang mga natitira pang miyembro at tagasuporta ng Communist Terrorist Group na magbalik-loob sa pamahalaan at samantalahin ang programa nitong E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program at magkaisa tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco