San Juan City (February 18, 2022) – Arestado ang isang miyembro ng Central Committee ng Communist Party of the Philippines (CPP) at lider ng National Health Bureau na nakabase sa Butuan City sa 008 N. Domingo St., San Perfecto, San Juan City bandang 9:40 ng umaga ng ika-18 ng Pebrero 2022.
Ayon kay Police Brigadier General Romeo Caramat Jr., Regional Director ng Police Regional Office 13, si Dra. Maria Natividad Silva Castro alyas “Yam/Agi/Kyle/Prim”, 53 anyos, ay pang pito (7) sa Regional Level Communist Terrorist Group (CTG) Priority Target ay nahuli sa Metro Manila sa joint operation ng Regional Intelligence Division (RID) 13 kasama ang PNP Intelligence Group, RID National Capital Region, 401st Brigade ng 4th Infantry Division ng Philippine Army, 3rd Special Forces Battalion (SFB), 41 Military Intelligence Company (MICO), Joint Task Force (JTF) NCR, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Air Corps, PA, at ng San Juan City Police Station.
Sa pamamagitan ng Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court, 10th Judicial Region, Branch 7, Bayugan City, Agusan del Sur, inaresto si Castro na residente ng Km. 3, Barangay Libertad, Butuan City dahil sa Kidnapping at Serious Illegal Detention sa ilalim ng Criminal Case No. 6527 na walang inirekomendang piyansa.
Batay sa imbestigasyon, sangkot ang akusado sa felonious kidnapping sa isang miyembro ng Civilian Active Auxiliary (CAA) noong ika-29 ng Disyembre 2018 sa Barangay Kolambungan, Sibagat, Agusan Del Sur.
“The arrest of Castro marks another CTG setback and to their inevitable demise. Their bloody, merciless plans have never succeeded, they have always been a failure and a disgrace to every Caraganon” saad ni RD Caramat Jr.
####
Panulat ni Patrolman Jhunel D Cadapan, RPCADU13
Good job mam sir.nl nababawasan na sila at tuluyan ng matatapos