Nasamsam ang tinatayang Php122,400 halaga ng shabu at naaresto ang tatlong indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU-13) sa Room 8, Beehive Lodge, Purok 1, Barangay Bancasi, Butuan City bandang alas-2:00 ng madaling araw nito lamang ika-4 ng Disyembre 2024.



Kinilala ni Police Major Aldrine O. Camu, Team Leader ng RDEU 13, ang mga suspek na sina alyas “Elmer”, 50 anyos, dating miyembro ng PNP, residente ng Barangay Baan Riverside, Butuan City; alyas “Rosalie”, 48 anyos, walang trabaho, residente ng Barangay Libertad, Butuan City; at alyas “Joseph”, 45 anyos, walang trabaho, residente ng Barangay Lacasan, Hinatuan, Surigao del Sur.
Sa operasyon, narekober ang kabuuang 18 gramo ng shabu na may Standard Drug Price na Php122,400, isang Android touchscreen cellphone, PAG-IBIG ID, at iba’t ibang drug paraphernalia.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pinagsanib na pwersa ng RDEU 13, Regional Intelligence Division 13 (RID-13), Butuan City Police Office Drug Enforcement Unit (BCPO-DEU), at BCPS3 DEU.
Ang mga operasyon tulad nito ay nagpapakita ng patuloy na determinasyon ng PNP Caraga na sugpuin ang pagkalat ng iligal na droga sa rehiyon at tiyakin ang kaligtasan ng komunidad upang mapanatili ang kaayusan sa bansa.
Panulat ni Pat Karen Mallillin