Arestado ang tinaguriang Top 3 Most Wanted Person sa Provincial Level sa isinagawang joint law enforcement operation ng mga otoridad sa Barangay Colongulo, Surallah, South Cotabato nito lamang Disyembre 3, 2024.
Kinilala ni Police Captain Archie Fabila Dagohoy, Officer-In-Charge ng Surallah Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Jeston”, 36 anyos, walang asawa at residente ng nasabing lugar.
Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder, Frustrated Murder, Attempted Murder at Direct Assault with Attempted Homicide na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.