Arestado ang tinaguriang Top 10 Regional Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad sa Purok Bliss, Barangay Kalawag 1, Isulan, Sultan Kudarat nito lamang ika-3 ng Disyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Julius R Malcontento, Hepe ng Isulan City Police Station, ang naaresto na si alyas “Jun”, 23 taong gulang, walang asawa at residente ng nasabing lugar.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Isulan Municipal Police Station, SK-CIDG, SKPHT, SKPIU at 1st SKPMFC na nagresulta ng pagkadakip ng suspek para sa kasong Statutory Rape at walang inirekomendang piyansa.
Ang matagumpay na operasyong ito ay bunga ng pagsisikap ng PNP upang maaresto ang mga taong may nakabinbin na kaso at magbayad sa batas. Ito rin ay pagkamit ng hustisya sa mga taong naging biktima ng krimen.