Tiklo sa isinagawang Anti-illegal Drugs Operation ang isang Top 7 High Value Individual sa Regional Level ng mga operatiba ng Iligan City Police Station 1 – Drug Enforcement Team sa Barangay Luinab, Iligan City nito lamang Disyembre 3, 2024.


Kinilala ni Police Captain Reiner R Escalante, Officer-In-Charge ng Iligan City Police Station 1, ang suspek na si alyas “Muammar”, 31 taong gulang at residente ng nasabing lugar na tinaguriang Top 7 HVI sa Regional Level.
Sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Iligan City Police Station 1 – Drug Enforcement Team ay nakumpiska ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu na street value na Php10,000 at isang Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang pagkakaaresto sa High Value Individual na suspek ay bunga ng matagumpay na kampanya kontra ilegal na droga ng Iligan City PNP na patuloy na ginagampanan ang sinumpaang tungkulin para sa maayos at mapayapang pamayanan tungo sa Bagong Pilipinas.