Tinatayang Php200,000 halaga ng smuggled cigarettes ang nakumpiska sa checkpoint operation ng Lanao del Norte PNP sa Purok 1, Bansarvil-1, Kapatagan, Lanao del Norte nito lamang ika-21 ng Disyembre 2024.


Ayon kay Police Brigadier General Jayden De Guzman, Acting Regional Director ng Police Regional Office 10, sa pangunguna ng mga personahe ng 2nd Provincial Mobile Force Company ay nadakip ang suspek na si alyas “Maam Fe”, 38 anyos, babae at residente ng nasabing lugar.
Habang isinasagawa ang checkpoint operation ay nakita ang kahinahinalang itim na tricycle na naglalaman ng sako-sakong transparent plastic cellophane, nang ininspeksyon ito ay bumungad sa mga otoridad ang 250 reams ng New Far Red Smuggles Cigarettes at tinatayang may halagang Php200,000.
Patunay lamang na hindi titigil ang PRO 10 sa pagsugpo sa mga ilegal na aktibidad lalong-lalo na ang smuggled cigarettes.