Naaresto ang Regional Most Wanted Person ng mga tauhan ng Cavite PNP sa Barangay Salitran 2, Dasmariñas City, Cavite nito lamang Nobyembre 30, 2024.
Kinilala ni PLtCol Socrates S Jaca, OIC ng Kawit MPS, ang suspek na si alyas “Bernardo”, residente ng Barangay Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite.
Ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest ng mga operatiba mula sa Kawit Municipal Police Station, sa koordinasyon ng PNP Cavite Maritime Police Station sa kaso nitong Statutory Rape (3 Counts) na walang piyansa.
Ang makabuluhang pagsasakatuparan na walang patid na pangako ng Cavite Police Provincial Office sa paghahangad ng katarungan at kaligtasan ng publiko ay magbibigay diin sa dedikasyon ng pulisya sa pagpapanatili ng batas at kaayusan para sa kaligtasan at seguridad ng komunidad.
Source: Cavite PPO-PIO
Panulat ni Pat Maria Sarah P Bernales