Thursday, December 5, 2024

Elementary Principal, arestado sa buy-bust ng mga awtoridad sa Palawan

Arestado ang isang Elementary Principal ng mga awtoridad sa drug buy-bust operation sa Barangay Alfonso XIII, Quezon, Palawan nitong hapon ng Disyembre 1, 2024.

Ang suspek ay isang 42 anyos at itinuturing na isang High Value Target (HVT) sa kampanya laban sa iligal na droga.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Palawan, kasama ang Special Intelligence Unit (SIU), Anti-Illegal Drugs Unit (AIU) IO Il, Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU), at Quezon Municipal Police Station (MPS).

Nakumpiska mula sa suspek ang isang pakete ng shabu na may timbang na 0.71 gramo, na tinatayang may halagang Php3,000. Bukod sa droga, nakuha rin mula sa suspek ang Php500 na tunay na pera, Php2,500 boodle money, at isang motorsiklo na ginagamit sa kanilang operasyon.

Ang nasabing operasyon ay naglalayong masugpo ang kalakalan ng iligal na droga sa rehiyon at itinuturing na malaking tagumpay ang pagkakahuli sa isang High Value Target.

Dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, nakatakdang sampahan ng kaso ang nasabing principal.

Inaasahan na magpapatuloy ang imbestigasyon hinggil sa iba pang posibleng kasangkot sa iligal na aktibidad.

Ang operasyon ay bahagi ng patuloy na laban ng PDEA at mga lokal na kapulisan upang sugpuin ang droga at protektahan ang komunidad laban sa masamang epekto nito, lalo na sa mga kabataan.

Source: 104.7 XFM Palawan

Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,320SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles