Nakumpiska ng kapulisan ng Bohol ang Php12.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Purok-3, Dao, Tagbilaran City, Bohol, noong ika-1 ng Disyembre 2024.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Joemar S Pomarejos, Chief ng Provincial Intelligence Unit / Provincial Drug Enforcement Unit, Bohol Police Provincial Office, bandang 12:35 ng madaling araw ng ikinasa ng mga operatiba ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek na si alyas “Sitoy”, 44 anyos na residente ng Purok-2, Barangay Ubujan, Tagbilaran City, Bohol.
Nakumpiska mula sa suspek ang 25 pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 1,800 gramo at may Standard Drug Price na Php12,240,000, buy-bust money, sling bag, motorsiklo na Honda Beat, at isang cellphone na Nokia.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng pinagsanib pwersa ng PDEU, Bohol, Tagbilaran CPS, at PDEA Bohol.
Ang kapulisan ng Bohol ay puspusan ang mga operasyon laban sa iligal na droga upang masakote ang mga indibidwal na nasa likod nito dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka!.
Source: CIU/CDEU, BPPO SRA