Napasakamay ng mga awtoridad ang Top 1 Municipal Most Wanted Person ng Bayan ng Alcala sa Pangasinan nitong Lunes, ika-2 ng Disyembre 2024.
Tinukoy ang suspek na si alyas “Kokoy”, 31 taong gulang, isang magsasaka at residente ng Barangay Laoac, Alcala, Pangasinan.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape, na walang inirekomendang piyansa, Rape through Sexual Assault na may itinakdang piyansa na Php200,000 at Lascivious Conduct na may itinakda namang piyansa na Php108,000.
Naaresto ang suspek dakong 12:45 ng madaling araw sa kanyang tinitirhan ng mga operatiba ng Alcala Municipal Police Station sa pangunguna ng kanilang Hepe na si Police Major Mark Tubadeza.
Ang pagkakaaresto sa suspek ay isang patunay ng epektibong pagganap ng mga kapulisan ng kanilang mandato na panagutin ang mga may pagkakasala sa batas upang mabigyan ng hustisya ang kanilang mga biktima.
Source: Alcala Municipal Police Station
Panulat ni PMSg Bader Ceasar Ayco