Arestado ng Iligan City PNP ang isang Wanted Person sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 sa isinagawang Manhunt Charlie Operation sa Purok Sto. Niño, Barangay Tubod, Iligan City nito lamang ika-27 ng Nobyembre 2024.
Ang naturang operasyon ay pinangunahan ni Police Captain Reiner R Escalante, Officer-In-Charge ng Iligan City Police Station 1, katuwang ang tracker team ng naturang istasyon.
Ayon kay PCpt Escalante, bandang 7:06 ng gabi ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na si alyas “Vin”, 43 anyos, businessman at residente ng nasabing lugar.
Nadakip ang suspek sa isinagawang Manhunt Charlie operation ng mga tauhan ng iligan City Police Station 1 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 9262 o “Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.
Patuloy ang Iligan City PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon para mahuli ang mga taong may pananagutan sa batas lalong lalo na sa mga kababaihan upang mapanatiling ligtas at payapa ang nasasakupang komunidad.