Nasagawa ng 3rd Visit of Enhanced Monitoring of Police Overall Wellness (EMPOw) CY 2024 ang mga tauhan ng Regional Medical and Dental Unit 10 sa Camiguin Police Provincial Office, Camp Gen Bonifacio, Barangay Baylao, Mambajao, Camiguin nito lamang ika-27 ng Nobyembre 2024.
Ang akitibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Liza A Gomera, Hepe ng RMDU 10.
Ang aktibidad ay may temang: “Serbisyong Pangkalusugan sa Pulis – Northern Mindanao”.
Nakapagbigay ng serbisyo sa 67 miyembro ng Camiguin PNP.
Nakatanggap din ng libreng serbisyo tulad ng Psycho-Social Services, Dental Services, Flu Vaccination, mga gamot at nasagawa ng IEC distribution patungkol sa Stress Management and Suicide Prevention.
Sa huli ay nagpasalamat si PCol Gomera sa Camiguin PNP na nakilahok sa aktibidad na naglalayong mabawasan ang mga kapulisan na nakararanas ng work-related at lifestyle diseases.