Arestado ang isang 54 anyos na lalaking wanted sa kasong Frustrated Murder matapos magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Bayambang Police Station sa Barangay Magsaysay, Bayambang, Pangasinan nito lamang ika-26 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Simeon”, residente ng Buenlag 2nd, Bayambang.
Si alyas “Simeon” ay inaresto sa bisa ng Alias Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may inirekomendang piyansa na Php70,000.
Ang suspek ay dinala sa Bayambang District Hospital upang sumailalim sa isang pisikal na pagsusuri. Pagkatapos nito, siya ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa tamang disposisyon ng kaso.
Ang matagumpay na operasyon ay nagbigay-diin sa patuloy na pagsusumikap ng mga awtoridad na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Source: Bayambang MPS
Panulat ni PSSg Marvin Jake Romero