Thursday, November 28, 2024

13th PNP Biennial Summit of Women in Community Policing, tagumpay na idinaos sa Iloilo

Matagumpay na naisagawa ang 13th PNP Biennial Summit of Women in Community Policing na may temang “Ang Boses ng Kababaihan: Tungo sa Isang Ligtas at Mapayapang Bagong Pilipinas” na ginanap sa Grand Xing Imperial Hotel, Iloilo City nito lamang ika-25 hanggang 27 ng Nobyembre 2024.

Naisakatuparan ito ng Philippine National Police (PNP) sa pakikipagtulungan ng Soroptimist International of the America’s Philippine Region (SIAPR).

Mahigit sa 350 uniformed at non-uniformed personnel mula sa iba’t ibang Police Regional Offices at National Support Units ng Luzon, Visayas, at Mindanao ang dumalo sa tatlong araw na summit na naglalayong bigyang karunungan ang kababaihan at magbahagi ng mahahalagang aral.

Sa pagbubukas ng aktibidad, pinangunahan ni Governor Marivic S. Paras, mula sa Soroptimist International of the America’s Philippine Region (SIAPR) ang seremonya, kasabay nito ay nagbigay din ng mahalagang mensahe ni PBGen Jack L Wanky, Regional Director ng Police Regional Office 6 at dumalo rin ang mga opisyal mula sa pamahalaang lokal ng Iloilo.

Ang unang araw ay nagbigay ng positibong simula at inspirasyon sa mga kalahok na bukas sa mga bagong kaalaman mula sa mga tagapagsalita.

Sa ikalawang araw, itinampok ang mga lektura mula sa “Women Power Speakers” mula sa iba’t ibang sangay ng gobyerno, na nagbigay ng mahahalagang kaalaman sa mga kababaihang dumalo.

Isa na rito si Police Brigadier General Portia B Manalad, Chief ng Women and Children Protection Center (WCPC) at ang kauna-unahang babaeng kadete na nagtapos sa Philippine National Police Academy, na siyang nagbigay ng inspirasyon at mahahalagang mensahe sa mga kalahok.

Nagbigay-kulay rin ang Fellowship Night sa pamamagitan ng PNP Women’s Got Talent, kung saan ipinakita ng mga kababaihan sa organisasyon ang kanilang mga talento, na labis na nagpalakas ng morale ng mga dumalo.

Sa huling araw, tampok ang mga panayam ukol sa Mental Health Awareness at Stress Management. Nagkaroon din ng Pledge of Commitment na pinangunahan ng kapulisan at Soroptimist International of the America’s Philippine Region (SIAPR) na sinundan rin ng mga kalahok.  Ito ay isang simbolo ng kanilang dedikasyon sa pagsuporta sa kababaihan.

Sa pagtatapos ng aktibidad, si PMGen Roderick Augustus B Alba, Director ng Directorate for Police Community Relations (DPCR), ay binigyang diin ang papel ng kababaihan sa pagtataguyod ng kaligtasan at kapayapaan sa komunidad.

Pinuri niya ang propesyonalismo at dedikasyon ng mga babaeng miyembro ng Philippine National Police at ang mga nanguna sa nasabing aktibidad.

Ang tagumpay ng 13th PNP Biennial Summit of Women in Community Policing ay isang patunay ng pagkakaisa ng PNP at kanilang mga katuwang sa lipunan tulad ng Soroptimist International of the America’s Philippine Region (SIAPR), upang mapalakas ang papel ng kababaihan sa bansa.

Muling pinatunayan ng Pambansang Pulisya na sa likod ng kanilang uniporme ay ang dedikasyon na magbigay ng inspirasyon at serbisyong may malasakit sa bayan, dahil sa bagong pilipinas ang gusto ng pulis, ligtas ka.

Source: PCADG WESTERN VISAYAS

Panulat ni Pat Justine Mae Jallores

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles