Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang magsasaka na miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Garden, Arteche, Eastern Samar nito lamang ika-25 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Captain Mark Daniel L Maraquilla, Officer-In-Charge ng 801st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, ang nagbalik-loob na si alyas “Libad”, 32 anyos, magsasaka, residente ng Barangay Can-maria, Lapinig, Northern Samar at miyembro ng FC-15 SRC, ARCTIC, EVRPC.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na panawagan at pagsisikap ng mga tauhan ng 801st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, kasama ang Provincial Intelligence Team-Eastern Samar, Regional Intelligence Unit 8, 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company, Northern Samar Provincial Intelligence Unit at 52nd Infantry Battalion, 8th Infantry Division, Philippine Army.
Samantala, nakatanggap naman ang nagbalik-loob ng agarang tulong pinansyal at food packs mula sa mga kapulisan.
Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 801st Maneuver Company, RMFB 8 para sa facilitation at dokumentasyon ng kanyang pagsasailalim sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Ang pagbabalik-loob ng dating miyembro ng CTG ay representasyon na ang programa ng ating pamahalaan sa pagwawakas ng insurhensiya at terorismo ay matagumpay na naipapatupad tungo sa pagkamit ng payapa at ligtas na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian