Arestado ang isang Top 2 Most Wanted Person sa Municipal Level sa kasong Murder sa isinagawang law enforcement operation ng Dipolog City Police Station sa Lugdungan, Dipolog City, Zamboanga del Norte nito lamang ika-26 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Edwin D Verzon, Chief of Police ng Dipolog CPS, ang naarestong suspek na si alyas “Allan”, 49 anyos, lalaki at residente ng naturang lugar.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco