Boluntaryong isinuko ng isang lalaki ang kanyang loose firearm sa mga tauhan ng Jolo Municipal Police Station sa Marina Street, Barangay Walled City, Jolo, Sulu noong ika-27 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Annidul M. Sali, Chief of Police ng Jolo Municipal Police Station, ang lalaki na si alyas “Rasa”, 64 anyos, Pangulo ng Sulu State University, at residente ng Kasalamatan Village, Block 10, Lot 113, Barangay San Raymundo, Jolo, Sulu.
Ayon kay PLtCol Sali, kusang nagtungo si alyas “Rasa” sa istasyon upang isuko ang dalawang yunit ng loose firearm na cal. 7.62 at dalawang piraso ng magazine na walang bala.
Ang boluntaryong pagsuko na ito ay patunay ng mas pinaigting na kampanya ng PNP laban sa loose firearm, katuwang ang patuloy na pagpapatupad ng Oplan ADFER Revitalized Katok, na nagsasagawa ng house-to-house visitation upang hikayatin ang mga indibidwal na magtulungan para sa kapayapaan at kaayusan sa ating bayan.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya