Nasabat ang tinatayang Php374,000 halaga ng shabu sa naarestong suspek sa buy-bust operation ng PNP at PDEA sa Barangay Salvacion, West District, Sorsogon City nitong Nobyembre 25, 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Daniel”, 49 taong gulang, pintor, at residente ng Barangay Timbayog, Casiguran, Sorsogon.
Naaresto ang suspek ng pinagsamang puwersa ng Sorsogon City Police Station (CPS), City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU), Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), at Casiguran Municipal Police Station (MPS) Sorsogon Police Provincial Office (PPO), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 5.
Nakumpiska mula sa suspek ang 55 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may tinatayang market value na Php374,000.
Ang mga suspek ay sasampahan ng kaukulang kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy na isinusulong ng Sorsogon City Police Station ang pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga upang masugpo ang kriminalidad at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod, alinsunod sa layunin ng Bagong Pilipinas.
Source: PNP Kasurog Bicol FB Page
Panulat ni PSSg Mercolito P Lovendino Jr