Lumahok ang mga tauhan ng 2nd Mountain Province Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng liderato ni Police Colonel Ferdinand N Oydoc, Officer-In-Charge ng Mt. Province Police Provincial Office, sa solidarity walk bilang suporta sa 18-Day Campaign para Wakasan ang Karahasan Laban sa Kababaihan (VAW) na ginanap sa Poblacion, Bontoc nito lamang Nobyembre 27, 2024.
Layunin ng aktibidad na ito na pataasin ang kamalayan ng publiko tungkol sa laganap na isyu ng karahasan laban sa kababaihan at hikayatin ang sama-samang pagkilos upang tugunan at maiwasan ang mga ganitong kaso sa komunidad.
Nagsilbi rin ang naturang aktibidad bilang isang plataporma upang bigyang-diin ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng mga ahensya ng tagapagpatupad ng batas, lokal na pamahalaan, at iba pang mga organisasyon sa pagpapalaganap ng pagkakapantay-pantay ng kasarian at paglikha ng mas ligtas na kapaligiran para sa lahat.
Ang 2nd Mt. Province PMFC ay mananatiling tapat sa kanilang mandato na tiyakin ang kapayapaan at kaayusan habang sumusuporta sa mga inisyatiba para protektahan ang mga mahihinang sektor, lalo na ang kababaihan at mga bata.