Timbog ng Iloilo City Police Station 4 ang tinatayang Php340,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation na isinagawa sa Barangay South Baluarte, Molo, Iloilo City, bandang hapon ng ika-26 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Lloyd Pagulayan, Deputy Station Commander ng Iloilo City Police Station 4, ang suspek na si alyas “Joart”, 49 taong gulang, nagbebenta ng baboy, at residente ng nasabing lugar.
Nasamsam mula sa suspek ang 16 sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 50 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php340,000, at iba pang mga non-drug items.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Iloilo City Police Station 4 at nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang matagumpay na operasyon ay nagsilbing paalala sa publiko tungkol sa patuloy na kampanya ng Pambansang Pulisya laban sa ilegal na droga, na naglalayong mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa komunidad.
Source: K5 News FM Iloilo 88.7
Panulat ni Pat Ledilyn Bansagon