Isinagawa matapos ang anim na buwan ang pagtatapos ng Public Safety Field Training Program (PSFTP) ng CL 2023-01 “BAKAS-LIPI ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region nito lamang ika-26 ng Nobyembre, 2024 sa Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte.
Ang naturang seremonya ay pinangunahan ni Police Brigadier General Romeo Juan Macapaz, Regional Director ng PRO BAR, na naging pangunahing pandangal na kinatawanan ni Police Colonel Jemuel F Siason, Chief Regional Staff katuwang ang iba pang opisyales ng PRO BAR na nagpaabot ng pagbati sa lahat ng nagtapos.
Ang CL BAKAS-LIPI ay ang kauna-unahang miyembro ng kapulisan na binuo ng 92 na kalalakihan at 8 kababaihan na MNLF at MILF Recruit sa pamamagitan ng Peace Process ng pamahalaan at ng Bangsamoro.
“Matuto kayong magpatupad ng batas, matutunan niyo rin ang tunay na halaga ng serbisyo-publiko. Ang pagsusuot ng uniporme ng PNP ay hindi isang pribiliheyo kundi isang malaking responsibilidad. Ito ay isang paalala na ang bawat disisyon at bawat kilos ay may kaakibat na pananagutan sa ating bayan”, ani PBGen Macapaz.
Sa pagtatapos ng programa, muli namang nayakap ng Class “BAKAS-LIPI” ang kanilang mga mahal sa buhay matapos ang kanilang training upang maging isang ganap na miyembro ng Philippine National Police.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya