Arestado ng mga operatiba ng Malalag Municipal Police Station ang isang Most Wanted Person sa kasong Statutory Rape noong ika-26 ng Nobyembre, 2024 sa Purok 5, Barangay Bay-bay, Malalag, Davao del Sur.
Ayon kay Police Captain Diosdado S. Niones II, Officer-In-Charge ng Malalag Police Station, ang suspek ay kinilalang si alyas “Jheward,” isang 24 anyos, mangingisda at residente ng nasabing barangay.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape ng mga tauhan ng 1st Provincial Intelligence Unit Tracker Team, 1st Davao Sur Provincial Mobile Force Company, at Regional Mobile Force Battalion 11.
Patuloy ang mga tauhan ng Police Regional Office 11 sa pagsasagawa ng mga operasyon na layuning matugis at maiproseso ang mga wanted na tao sa buong rehiyon. Ang mga operasyong ito ay hindi lamang nakatutok sa malalaking kaso, kundi pati na rin sa mga indibidwal na may outstanding warrants na maaaring magdulot ng panganib sa komunidad. Sa pamamagitan ng mga ganitong operasyon, ang PNP ay nagsusumikap na matiyak ang kaligtasan at kapayapaan sa buong rehiyon.
Panulat ni Patrolwoman Shairra Rose A Aquino