Nagsagawa ng Drug Awareness Symposium ang mga kapulisan ng Aparri Police Station na ginanap sa Cagayan State University – A Gymplex, Barangay Maura, Aparri, Cagayan noong ika-25 ng Nobyembre 2024.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Maricon Labsang, Deputy Chief of Police, ang aktibidad katuwang ang mga guro at mag-aaral ng nasabing paaralan.
Tinalakay sa nasabing aktibidad ang kaparusahan sa ilalim ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” na naglalayong magbigay ng kaalaman, mailayo, at maprotektahan ang mga kabataan laban sa ilegal na droga.
Patuloy ang Pambansang Pulisya sa pagsasagawa ng ganitong aktibidad upang palakasin ang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” program na isang mahalagang hakbang upang maiwasan ang mapanirang dulot ng droga at makamit ang isang ligtas na Bagong Pilipinas.
Source: Appari PS
Panunulat ni Pat Donnabele Galang