Kalaboso ang Top 9 Most Wanted Person sa pinaigting na operasyon kaugnay sa Intelligence Driven Law Enforcement and Combat Operation o “Oplan BIRA” ng Regional Mobile Force Battalion 7, 703rd/704th maneuver company at F2 RMFB7 sa pangunguna ni PLTCOL EPREAM G PAGUYOD sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL RONAN R CLARAVALL, (Force Commander) kasama ang RID7, RIU7, PIU NOPPO, 621B, 3rd ID (Intel Provider), Guihulngan CPS, at San Jose Police Station nitong araw February 18, 2022 bandang alas 11:00 ng umaga sa Siglo St., Barangay, Poblacion, San Jose, Negros Oriental.
Kinilala ang suspek na si Rustom Gutual Fat, nasa tamang gulang at residente ng Guihulngan, Negros Oriental. Matatandaang si Fat ay isa din sa CTG Priority list ng PRO7 at nahaharap sa kasong pagpatay.
Inaresto si Fat sa bias ng Warrant of Arrest na inisyu ng Presiding Judge sa Branch 64, Guihulngan City, Negros Orriental na nilagdaan noong January 29, 2021.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Regional Mobile Force Battalion 7 para sa dokumentasyon at tamang disposition.
Tiniyak naman ng mga kapulisan sa RMFB7 na tuloy-tuloy ang mga operasyon nito sa pagpapatupad sa ibat-ibang anti- criminality campaigns maging sa pagtugis sa mga Wanted individuals na nagtatago sa lalawigan ng Cebu.
###
Panunulat ng RMFB 7 (https://www.facebook.com/pnp.rmfb7/posts/133611855823888)