Sa kulungan ang bagsak ng isang High Value Individual na suspek matapos maaresto at mahulihan ng Php7.1 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Cebu PNP sa Purok San Flower, Barangay San Roque, Talisay City, Cebu, noong ika-24 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Antonio G Ananayo Jr, Chief ng Provincial Intelligence Unit / Provincial Drug Enforcement Unit, Cebu Police Provincial Office, ang suspek na si “Urbanito”, 31 anyos na residente ng nabanggit na lugar.
Bandang 12:40 ng madaling araw ng ikinasa ng kapulisan ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek at pagkasabat ng 13 plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 1,050 gramo at may Standard Drug Price na Php7,140,000, buy-bust money, at belt bag na olive green.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng pinagsanib pwersa ng PIU/PDEU, CPPO at Talisay City Police Station.
Ito ay bunga ng maayos na pagpapatupad ng kapulisan ng Cebu ng kampanya kontra ilegal na droga at lahat ng uri ng kriminalidad upang tuluyang masugpo ang ipinagbabawal na droga, tungo sa maunlad na Bagong Pilipinas.
Source: CPPO PIU/PDEU SR