Monday, November 25, 2024

Php21.6M halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat sa operasyon ng awtoridad sa Albay

Nasabat sa operasyon ng magkatuwang na puwersa ng awtoridad ang Php21.6 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo noong Nobyembre 21, 2024 sa Barangay Marigondon, Pio Duran, Albay.

Ang operasyon ay isinagawa ng Ligao Maritime Law Enforcement Team, Pio Duran Municipal Police Station, Naval Forces Southern Luzon, Regional Mobile Force Battalion 5, at Coast Guard Sub-Station Pio Duran, ay nagresulta sa pagkaka-intercept ng isang motorized banca na may kargang ipinagbabawal na produkto malapit sa Barangay Marigondon, Pio Duran, Albay, isang kilometro mula sa dalampasigan.

Kabuuang 18,850 reams (377 kahon) ng iba’t ibang imported na sigarilyo, kabilang ang mga tatak na BROS, CARNIVAL, COMMANDO, at DELTA, ang nakumpiska. Kasama ring nasabat ang bangkang may pangalang “SUSIE” na pinatatakbo ng isang Mitsubishi 4D31 engine, na tinatayang may halagang Php400,000.

Siyam na residente ng Barangay Basicao Coastal, Pio Duran, Albay ang naaresto. Ang mga suspek na kinilala sa alyas na “Migs”, “Rey”, “Jun”, “Les”, “Lando”, “Al”, “Pat”, “Ben”, at “Joe”, ay nahaharap ngayon sa mga kasong may kaugnayan sa Customs Modernization and Tariff Act (Republic Act No. 10863) at mga regulasyong nakapaloob sa Executive Order No. 245 para sa importasyon ng tabako at produktong tabako.

Ang mga nasabat na produkto at bangka ay nai-turnover na sa Bureau of Customs, Collection District V, para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Inulit ng mga awtoridad ang kanilang paninindigan na mas paigtingin pa ang mga kampanya laban sa smuggling sa rehiyon. Hinihimok nila ang publiko na makipagtulungan at agad iulat ang anumang kahina-hinalang gawain upang mapanatili ang kaayusan sa kanilang nasasakupan.

Samantala, ipinahayag naman ni PBGen Andre P. Dizon, Regional Director ng PRO5, na ang tagumpay na ito ay bunga ng pakikiisa ng iba’t ibang ahensya. Pinuri niya ang lahat ng tumulong sa operasyon at sinigurong magpapatuloy ang PNP Bicol sa pagpapalakas ng ugnayan sa mga katuwang na ahensya para sa mas ligtas na pamayanan sa Bicol.

Source: PNP Kasurog Bicol FB Page.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles