Tinatayang Php544,000 halaga ng shabu at isang baril ang nakumpiska sa tatlong personalidad sa buy-bust operation ng Lumban PNP sa Barangay Segunada Parang, Lumban, Laguna dakong 7:10 ng gabi nito lamang ika-21 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Colonel Gauvin Mel Y Unos, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Joven”, isang High Value Individual (HVI), “Maria” at “Virgilio”, parehong Street Level Individual (SLI).
Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang (1) pirasong knot-tied transparent plastic sachet at pitong (7) pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit kumulang 80 gramo at nagkakahalaga ng Php544,000, isang Calibre. 38 Smith and Wesson na may tatlong (3) pirasong bala, isang (1) coin purse, isang (1) sling bag, isang Php1000 bill bilang buy-bust money, at dalawang Php500 bill nilang drug money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Ang matagumpay na operasyon ng kapulisan kontra ilegal na droga ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa lipunan. Sa patuloy na pagsusumikap ng mga awtoridad, nababawasan ang krimen at nagiging mas ligtas ang ating komunidad. Ang kanilang dedikasyon at koordinasyon ay mahalaga upang makamit ang isang mapayapa at maunlad na bansa, malayo sa banta ng droga.
Source: Laguna Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica S Teng