Arestado ang amang suspek sa pananaga sa sariling anak matapos maaresto sa hot pursuit operation ng kapulisan ng Naga City of sa Purok Comon 2, Barangay Cogon, Naga City, Cebu, noong ika-23 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Verniño Bustillo Noserale, Acting Chief of Police ng Naga City Police Station, Cebu Police Provincial Office, ang amang suspek na si “Reny”, 45 anyos na residente ng nabanggit na lugar.
Bandang 5:30 ng hapon ng makatanggap ng sumbong ang mga kapulisan ukol sa biktimang sugatan sa pananaga na di naglaon ay idineklarang patay. Agad rumisponde ang kapulisan at nagsagawa ng hot pursuit operation na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek.
Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon umano ng alitan ang mag-ama na nagresulta sa pananaga ng suspek sa sarili nitong anak. Ang biktima ay nagtamo ng sugat sa leeg na naging sanhi sa agarang pagkamatay nito.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng City of Naga PS ang suspek at mahaharap sa kasong parricide.
Ang kapulisan ng City of Naga ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra anumang uri ng kriminalidad dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka!.
Source: City of Naga PS SR