Monday, November 25, 2024

Php3.4M halaga ng shabu, nasamsam sa PNP-PDEA buy-bust

Nasamsam ang Php3,400,000 halaga ng ilegal na droga sa isinagawang operasyon ng mga otoridad habang timbog ang limang suspek sa Barangay Rapasun, Marawi City noong ika-22 ng Nobyembre 2024.

Kinilala ni Police Brigadier General Romeo J Macapaz, Regional Director ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region, ang mga suspek na sina alyas “Pangs”, 42 anyos, residente ng Poblacion, Watu, Balindong, Lanao del Sur, alyas “Hani”, 57 anyos na residente ng Poblacion, Saguiran Lanao del Sur, alyas “Isma”, 27 anyos na naninirahan sa Barangay Dilimbayan Maguing, Lanao del Sur;  si alyas “Alfa”, 20 anyos at alyas “Olga”, 19 anyos na pawang residente naman ng 3rd St. Dimalna MSU, Marawi City.

Bandang 10:40 ng umaga nang ikasa ang naturang operasyon ng mga tauhan ng PDEA BARMM katuwang ang mga operatiba ng Regional Special Enforcement Team, 1402nd Regional Mobile Force Battalion 14A, Special Action Force, BARMM, Marawi City Police Station at Department of Security Service, MSU na nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto ng mga suspek at pagkakakumpiska ng mga kaukulang ebidensya.

Nakuha mula sa operasyon ang limang plastik na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 500 gramo na nagkakahalagang Php3,400,000; anim na bundled boodle fake money na ginamit bilang buy-bust money; limang cellphone; assorted IDs; at isang unit ng Toyota Revo.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002” ang kakaharapin ng mga suspek.

Patuloy na magsagawa ng mga operasyon ang Lanao del Sur PNP at PDEA BARMM, sa patnubay ng pamahalaan, upang hulihin ang mga lumalabag sa batas, mabawasan ang ilegal na gawain, at isulong ang kaligtasan, kaayusan, at kapayapaan tungo sa maunlad na Bagong Pilipinas.

Panulat ni Patrolwoman Veronica Laggui

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles