Nasabat ng kapulisan ng Lapu-Lapu City ang higit Php102 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa High Value Individual na suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Zone 7, Barangay Buaya, Lapu-Lapu City, Cebu, noong ika-22 ng Nobyembre 2024.
Ayon kay Police Colonel Dyan V Agustin, Acting City Director ng Lapu-Lapu City Police Office, bandang 3:06 ng madaling araw ng ikinasa ng kapulisan ang operasyon na nagresulta sa pagkaaresto ng High Value Individual na suspek na si “Iyas”, 42 anyos na residente ng Barangay Lagtang, Talisay City, Cebu.
Narekober mula sa suspek ang 16 plastic packs ng hinihinalang shabu na may timbang na 10,050 gramo at may Standard Drug Price na Php102,340, buy-bust money, trolley bag, sling bag, at Realme na cellphone.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng pinagsanib pwersa ng CIU/CDEU, LCPO, MPU, LCPO, NISG-NAVFORCEN, PDEA RO VII RSET-LCPO at RID-7.
Ang kapulisan ng Lapu-Lapu City ay patuloy sa pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra ilegal na droga. Ito ay alinsunod sa pangunahing prayoridad ng pamahalaan na labanan ang mga sindikato ng droga sa pamamagitan ng pagpigil sa kanilang mga ilegal na aktibidad at pagbuwag sa kanilang mga operasyon.
Source: LCPO SR