Arestado ang isang Top 7 Most Wanted Person sa City Level sa isinagawang manhunt operation ng tracker team ng Pulisya sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 sa Barangay Tipanoy, Iligan City nito lamang ika-22 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Captain Vladimir C Tenorio, Officer-In-Charge ng Iligan City Police Station 6, ang suspek na si alyas “Roy”, lalaki, 33 anyos, single at residente ng Purok 2 Tangke, Barangay Bonbonon, Iligan City.
Naaresto ang suspek sa isinagawang joint manhunt operation ng ICPS1, ICPS3, ICPS6 at 1005th RMFB sa bisa ng Warrant of Arrest at kakaharaping kasong paglabag sa RA 8353 na walang piyansa.
Ang Iligan City PNP ay patuloy na nagsagawa ng masigasig na operasyon upang tugisin ang mga kriminal, matiyak ang kanilang pananagutan sa batas, at mabigyan ng tamang hustisya ang mga biktima tungo sa mas ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Rizza C Sajonia