Tinatayang Php1,020,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa drug suspek sa isinagawang Search Warrant Operation ng mga tauhan ng Tagoloan Municipal Police Station sa Barangay Casinglot, Tagoloan, Misamis Oriental nito lamang ika-21 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Major Renz Marion D Serrano, Hepe ng Tagoloan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Sed Deloso”, 37 anyos, residente ng nasabing lugar.
Bandang 11:10 ng gabi nang isagawa ng mga tauhan ng Tagoloan Municipal Police Station ang Search Warrant Operation sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Sa operasyon ay nakumpiska ang 22 pakete na hinihinalang shabu na may timbang na nasa 150 na gramo na may tinatayang Php1,020,000, tatlong pakete ng marijuana na may halagang Php840, disposable lighter, isang digital weighing scale at mga drug paraphernalia.
Ang Tagoloan PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra ilegal na droga para mapanatiling ligtas at payapa ang nasasakupang komunidad.