Arestado ang isang Top 9 Most Wanted Person sa Municipal Level sa kasong Theft sa isinagawang joint law enforcement operation ng Zamboanga City Police Station 11 kasama ang 1st ZCMFC at TSC-RMFB9 sa Gov. Lim Avenue, Barangay Zone 1, Zamboanga City nito lamang ika-20 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Captain Mohamar R Mariwa, Officer-In-Charge ng Zamboanga City Police Station 11, ang naarestong suspek na si alyas “Najing”, lalaki, isang recidivist offender, residente ng Barangay Kasanyangan, Zamboanga City at ay nahaharap sa kasong Theft.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco