Matagumpay na naaresto ng Drug Enforcement Team ng Binangonan Municipal Police Station ang isang High Value Individual (HVI) sa isinagawang operasyon bandang alas 7:00 ng umaga noong Nobyembre 20, 2024 sa Barangay Pag-asa, Binangonan, Rizal.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Evangeline P Santos, Acting Chief of Police ng Binangonan MPS, ang suspek na si alyas “Awi,” 44, residente ng Barangay San Roque, Angono, Rizal, at nakalista bilang High Value Individual (HVI) sa Binangonan MPS Drug Watchlist.
Nahuli ang suspek matapos magbenta ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu kapalit ng Php500 buy-bust money sa pulis na nagpanggap bilang poseur buyer.
Narekober ang walong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 57.75 gramo, na may Standard Drug Price na Php392,700, kasama ang isang puting Honda Scoopy motorcycle na may plate number NC80047, isang Android phone, isang pouch, at marked money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang mahalagang papel ng pakikipagtulungan ng komunidad sa pagsugpo sa ilegal na droga ay patunay ng sama-samang lakas ng PNP at ng komunidad. Ito ang ating laban – isang laban para sa ligtas at mas maayos na pamayanan.
Source: Rizal PNP-PIO
Panulat ni Pat Maria Sarah P Bernales