Sa kulungan ang bagsak ng Top 4 Most Wanted Person ng Calamba City, Laguna na may kaso ng 11 Counts ng Sexual Abuse matapos maaresto ng kapulisan ng Dimiao sa isinagawang operasyon sa Barangay Balbalan, Dimiao, Bohol, noong ika-20 ng Nobyembre 2024.
Ayon kay Police Lieutenant Alec Joseph G Judilla, Chief of Police ng Dimiao Municipal Police Station, Bohol Police Provincial Office, bandang 10:00 ng gabi ng maaresto ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Mike”, 27 anyos na tubong Belano Compound, Pabahay, Banadero, Calamba City, Laguna at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Balbalan, Dimiao, Bohol.
Ang suspek ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 11 Counts ng Sexual Abuse na may Php200,000 piyansa bawat kaso.
Ang matagumpay na pagkasakote ng suspek ay bunga ng pinagsanib pwersa ng Dimiao MPS at Calamba City Police Station.
Patunay lamang na ang kapulisan ng Dimiao ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad upang magkaroon ng maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Source: Dimian MPS SR