Arestado ng mga awtoridad ang tinaguriang Top 5 Regional Most Wanted Person na may kasong 3 Counts ng Statutory Rape matapos mahuli sa Barangay Payao, Villaba, Leyte nito lamang Nobyembre 19, 2024.
Kinilala ni Police Major Ian Salvador B Po, Officer-In-Charge ng Villaba Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Ivan”, 39 anyos at residente ng Barangay Catagbacan, Villaba, Leyte.
Bandang 8:30 ng umaga nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Villaba Municipal Police Station, kasama ang Palompon Municipal Police Station at Regional Intelligence Unit 8 sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 3 Counts ng Statutory Rape na walang piyansa.
Patunay lamang na ang Leyte PNP ay hindi nagpapabaya sa kanilang sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga taong tiwalag sa batas upang mapanatiling ligtas ang komunidad ng sa gayon maipatupad ang kapayapaan ng bansa para sa ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian