Dumalo si Police Brigadier General Jaysen C De Guzman, Acting Regional Director ng Police Regional Office 10, sa deklarasyon ng Insurgency-Free ng Municipality ng Dangcagan, Bukidnon nito lamang ika-20 ng Nobyembre 2024.
Dinaluhan din ang nasabing okasyon ni Hon. Rogelio Niel P. Roque, Gobernador ng Bukidnon, bilang Panauhing Pandangal at Tagapagsalita, mga opisyal ng LGU ng Dangcagan na pinamumunuan ng kanilang Punong Bayan, Honorable Mark Vincent B. Dandasan at ni BGen Marion T Ancao PA, Kumander ng 1003rd Bde, 10ID, PA.
Ang munisipalidad ng Dangcagan, Bukidnon, ay isang halimbawa ng tagumpay na makamit sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan.
Sa pagkakadeklara nito bilang insurgency-free, ipinapakita ng tagumpay na ito ang pinagsama-samang pagsisikap ng Philippine National Police, Local Government Units, Philippine Army at aktibong pakikilahok ng komunidad.
Sa pamamagitan ng maingat na pagpaplano, pakikisalamuha sa mga mamamayan at mga inisyatibo para sa kapayapaan, nagtulungan ang mga stakeholders upang matugunan ang ugat ng insurgency.
Siniguro ng PNP at Philippine Army ang seguridad at kaayusan, habang ang LGU naman ay nanguna sa mga programang pangkaunlaran upang mapaunlad ang pamumuhay ng mga residente.
Kasinghalaga rin ang pakikipagtulungan ng komunidad na nagpatatag ng tiwala at nagpanatili ng mga pagsisikap na ito.
Ang tagumpay ng Dangcagan ay isang patunay ng kapangyarihan ng pagtutulungan sa pagbuo ng isang mapayapa at maunlad na Bagong Pilipinas.