Nasabat ang tinatayang Php855,000 halaga ng smuggled cigarettes sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad ng Talusan Municipal Police Station sa Barangay Baganipay, Zamboanga Sibugay nito lamang ika-20 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Colonel Barnard Danie V Dasugo, Provincial Director ng Zamboanga Sibugay Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Boy”, 19 taong gulang at residente ng nasabing lugar.
Bandang 12:50 ng madaling araw nang ikasa ang operasyon ng mga awtoridad ng Talusan PNP katuwang ang Provincial Intelligence Unit Zamboanga Sibugay Police Provincial Office, 1st Zamboanga Sibugay Provincial Mobile Force Company at 106th Infantry Battalion Philippine Army-Alpha Company na nagresulta sa pagkakaaresto sa nasabing suspek at nakumpiska ang dalawang master cases ng Red Astro Cigarettes, limang master cases ng Red Royal Cigarettes, apat na red portland cigarettes, dalawang master cases ng assorted cigarettes, isang master case ng red canyon cigarettes at isang master case ng white d&j cigarettes.
Ang matagumpay na operasyon ay patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad at nagbibigay serbisyo na naaayon sa mga programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na magkaroon ng maunlad at maayos na bagong Pilipinas para sa mga mamamayan.