Arestado ang isang Top 1 Most Wanted Person sa Municipal Level sa kasong Statutory Rape at Lasciviousness Conduct under Section 5(b) ng Republic Act 7610 sa isinagawang joint law enforcement operation ng Zamboanga City Police Station 7 kasama ang BASPIT RIU 9 sa San Roque National High School, Barangay San Roque, Zamboanga City nito lamang ika-18 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Major Ramon C Aquiatan Jr, Station Commander ng Zamboanga City Police Station 7, ang naarestong suspek na si alyas “Junie”, 38 anyos, lalaki, isang guro at residente ng Pasay Masiay, Barangay San Roque, Zamboanga City.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Statutory Rape at Lasciviousness Conduct under Sec.5(b) ng RA 7610 na walang inirekomendang piyansa habang sa kasong Statutory Rape ay Php200,000 naman para sa kasong Lasciviousness Conduct under Sec.5(b) of RA 7610.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco