Arestado sa bisa ng Warrant of Arrest ang Top 2 Most Wanted Person sa City Level sa kasong Murder ng mga tauhan ng Iligan City PNP sa National Police Clearance Section, Robinsons Place, Tubod, Iligan City nito lamang ika-19 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Major Rodulfo B Arañador Jr, Officer-In-Charge ng Iligan City Police Station 3, ang suspek na si alyas “Budoy”, 44 anyos, may asawa, aktibong miyembro ng AFP at residente ng Barangay Nangka, Balo-i, Lanao Del Norte.
Nadakip ang suspek bandang alas 5:30 ng hapon sa isinagawang joint manhunt operation ng mga tauhan ng CIDMU-ICPO, Tracker Team ng ICPS 3 at Tracker Team ng ICPS 1 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang rekomendadong piyansa.
Ang Iligan City PNP ay patuloy na nagsasagawa ng mga operasyon laban sa mga wanted persons na nagtatago sa batas, upang mapanatili ang seguridad at kaayusan sa mga komunidad at tiyakin ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Panulat ni Pat Rizza C Sajonia