Nagsagawa ng road clearing operations ang mga kapulisan ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan sa National Highway ng Barangay San Luis Diadi, Nueva Vizcaya nito lamang ika-18 ng Nobyembre 2024.
Pinangunahan ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Jecthoper Haloc, Provincial Director ng NVPPO, katuwang ang lokal na Pamahalaan at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at mga opisyales ng nasabing lugar.
Nais nitong maibalik ang maayos na daloy ng trapiko at maiwasan ang aksidente sa mga motorista. Sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga natumbang puno at mga gumuhong lupa at bato sa kalsada dulot ng maliliit na landslide dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Pepito.
Samantala, ang kahandaan ng Nueva Vizcaya PNP sa Bagyong Pepito ay nagpakita ng tunay na diwa ng serbisyo publiko. Sa kanilang maagang paghahanda at mabilis na pagtugon ay nakatulong upang mabawasan ang mga pinsala at mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna.
Source: BagabagPS PCR
Panulat ni Pat Wendy G Rumbaoa