Himas rehas ang isang lalaking Wanted Person na may kasong Murder matapos mapasakamay ng mga awtoridad sa Barangay Cantaguic, San Jorge, Samar nito lamang Nobyembre 17, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel J-Rale O Paalisbo, Force Commander ng 1st Samar Provincial Mobile Force Company, ang suspek na si alyas āLitoā, 49 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Cantaguic, San Jorge, Samar.
Bandang 8:20 ng gabi nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng 1st Samar Provincial Mobile Force Company kasama ang San Jorge Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder na walang piyansa.
Ang PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling ligtas, tahimik, at maayos ang komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian