Arestado ang tatlong Street Level Individual sa isinagawang drug buy-bust operation ng Cagayan de Oro City PNP nito lamang ika-18 ng Nobyembre 2024 sa Lapasan, Cagayan de Oro City.
Kinilala ni Police Major Sabino Bacalan Labitad, Station Commander ng Cagayan De Oro City Police Station 2, ang tatlong suspek na sina alyas āJennā, 41 anyos at residente ng Tubod, Iligan City; Alyas “Rod”, 28 anyos at residente ng Purok Malig-on Ozamis City; at si alyas “Chris”, 38 anyos, at residente ng Barangay Lapasan, Cagayan de Oro City.
Sa operasyon ay nakumpiska ang 11 na pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 10 na gramo at may Standard Drug Price na tinatayang nasa Php68,000, isang unit ng .45 caliber, model Gold Cup National Match at isang unit ng .45 calibre ACT-MAG na may anim na bala na nakuha mula kay Alyas “Jenn” at Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o āComprehensive Dangerous Drugs Act of 2002ā at RA 10591 o āComprehensive Firearms and Ammunition Regulation Actā.
Ang matagumpay na operasyong ito ay nagpapakita ng determinasyon ng mga kapulisan sa pagpapatupad ng batas at kapayapaan sa komunidad.
Panulat ni Pat Rizza C Sajonia