Huli ang isang babae na nahaharap sa kasong Murder sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Barangay Ilomavis, Kidapawan City, Cotabato nito lamang Nobyembre 15, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Dominador L Palgan Jr., Chief of Police ng Kidapawan City Police Station, ang nahuling suspek na si alyas “Tata”, 37 anyos, na residente ng nasabing lugar.
Ito ay hinuli sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang rekomendadong piyansa.
Ang Kidapawan PNP ay patuloy na magsasagawa ng mga operasyon para panagutin ang mga taong may pananagutan sa saligang batas.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay Medelin