Timbog ang isang High Value Individual sa ikinasang Search Warrant Operation ng pulisya sa Barangay Poblacion, Kidapawan City, Cotabato Province nito lamang Nobyembre 17, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Dominador L Palgan Jr., Chief of Police ng Kidapawan City Police Station, ang suspek na si alyas “Din”, 46 anyos, magsasaka at residente ng nasabing lugar.
Ayon kay PLtCol Palgan Jr., ikinasa ang Search Warrant bandang 12:30 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakumpiska ng walong piraso ng transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na 5.02 gramo at nagkakahalaga ng Php34,136, 2.35 gramo ng marijuana na nagkakahala naman ng Php500, isang yunit ng Cal .22 revolver, 11 bala ng cal. 357 at isang improvised weather tooter.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Ang PNP ay nananatiling nakaantabay at patuloy sa pagpatupad ng mga masusing operasyon laban sa ilegal na droga at iba pang kriminalidad upang matiyak ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat komunidad tungo sa pagtatamo ng isang mas maunlad at mapayapang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ara Casandra Concon