Antequera, Bohol (February 17, 2022) — Muling nagpaabot ng tulong ang kapulisan ng Antequera Police Station sa isinagawang Operasyon Tabang sa mga residente ng Barangay Bungahan, Antequera, Bohol, umaga ng February 17, 2022.
Ang nasabing programa ay pinangunahan ng PCR PNCOs na sina PSMS Helena Guitones, PCpl Gleenefer Arais at PCpl Charmaine Zabala, na pinangasiwaan ni PLt Johnrey Cutin Digao, Acting Chief of Police, na naglalayong makapaghatid ng tulong sa mga residente ng Munisipalidad ng Antequera na walang wala sa buhay na dulot pa rin ng nakaraang Bagyong Odette at ng pandemya.
Malugod na ipinaabot ng kapulisan ng nasabing istasyon ang bigas, grocery items, at facemask sa mga residente ng naturang lugar.
Kasabay ng pamimigay ng mga nasabing tulong, muling pinaalalahanan ng mga awtoridad ang ating mga kababayan na patuloy na sumunod sa mga alituntunin para makaiwas sa COVID-19.
Ang mga programang ipinapatupad ng ating kapulisan katulad nito ay isang paraan upang ipakita ang pagmamahal, kahandaan sa pagtulong at paglilingkod para sa ating mga kababayan.
###
Panulat ni Patrolman Edmersan Llapitan