Nasabat ang tinatayang Php336,851 halaga ng ilegal na droga at nahuli ang 31 indibidwal sa ikinasang anti-illegal drug operation ng Police Regional Office 12 katuwang ang PDEA 12 sa iba’t ibang dako ng Rehiyong Dose noong Nobyembre 11-14, 2024.
Ayon kay Police Brigadier General James E Gulmatico, Officer-In-Charger ng PRO 12, sa 31 na naaresto, siyam dito ang nahuli sa probinsya ng Cotabato at South Cotabato, pito sa General Santos City, anim naman sa Sultan Kudarat Province, habang isa naman sa Sarangani Province.
Aabot naman sa Php336,851 na halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga operatiba kung saan 48.5778 gramo ng shabu at 54 gramo ng dahon ng marijuana ang narekober sa mga naturang operasyon.
Binigyang puri naman ni PBGen Gulmatico, ang mga operatiba sa walang humpay na pagpupursigi upang tuluyan nang matuldukan ang paglaganap at kalakalan ng ilegal na droga sa rehiyon.