Saturday, November 16, 2024

Dinapigue PNP, nakiisa sa mas pinalawig na Relief Operations sa Isabela

Nagpakita ng malasakit ang mga miyembro ng Dinapigue Police Station sa pamamagitan ng kanilang aktibong partisipasyon sa mga relief operations para sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa rehiyon dos nitong ika-15 ng Nobyembre 2024.

Pinasimulan ng LGU Dinapigue at Municipal Social Welfare katuwang ang mga kapulisan sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Are-J V Caggayan, hepe ng Dinapigue Police Station, kasama ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang pagdadala ng tulong sa mga apektadong lugar, kabilang na ang mga lugar na mahirap marating dulot ng mga landslide at baha.

Bukod sa mga relief goods, nagsilbing gabay ang PNP sa mga evacuation centers upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga naapektuhang pamilya. Ang mga kapulisan at iba pang ahensya ng gobyerno ay patuloy na nagtutulungan sa mga lokal na opisyal upang mapabilis ang distribusyon ng mga tulong at mapanatag ang mga apektadong komunidad.

Sa kabila ng mga hamon, ipinakita ng PNP ang kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa bayan, upang matulungan ang mga mamamayan sa oras ng pangangailangan.

Ang kanilang aktibong pakikilahok sa mga relief operations, mula sa pagsasagawa ng rescue missions hanggang sa pamamahagi ng mga pangunahing pangangailangan, ay nagpakita ng tunay na kahalagahan ng pagtutulungan sa oras ng kalamidad. Sa mga ganitong pagkakataon, ang PNP ay nagiging simbolo ng pag-asa at pagkakaisa.

Panulat ni Pat Micah A Enriquez

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,300SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles